Sunday, January 29, 2012

julius vacera's life (true story hehe): naghahanap ako ng tulong...pwede kaba??

julius vacera's life (true story hehe): naghahanap ako ng tulong...pwede kaba??

Friday, September 3, 2010

naghahanap ako ng tulong...pwede kaba??

Sa aking pagligid sa mundong ito,
Napakaraming dalahin ang aking baon
Para akoy mabuhay ng matiwasay
At malayo sa kapahamakan

Ngunit ang mga dalahin palang ito ay sobrang bigat
Na halos ay malugmok nalang ako sa hirap
Subalit di ko dapat iwanan ang mga bagay na ito
Upang tumagal pa ang aking buhay

Sa aking paggising isang umaga ay
Napag.isip-isip kong di ko na kaya ang lahat ng to
Sanay may mabuting loob naman na tumulong sakin
Para makaangat ako atmakapagpatuloy sa aking paglakad

Ngayon naghahanap ako ng mga tutulong sakin
kahit sino na may mabuting loob ang umalalay sakin
upang aking marating ang hangad kong tagumpay
Na inspirasyon ko at aking pinakakahihintay

Saturday, August 7, 2010

paano ba ang mabuhay?

nasaan na ba ako?
sa mundong itong aking ginagalawan
madali na ba akong matapos
o matagal pa at mahihirapan pa..

paano ba ako mabubuhay?
sa mundong ito,
na walang kaalam alam
kung ano.ano ang sasagupain
wala..

paano ako makakaahon sa napakagulong sanlibutan
napakadali ang magpakasaya
sa kadahilanang di alam kung ano ang mapapala
paano??

sana may tumulong sakin
dahil di ko kaya ang mabuhay sa mundong
di alam kung mabuti o masama
sana makaahon ako
wag malunod sa tukso at takot
upang makapagpatuloy sa buhay
hindi masaya dahil sa mga panlupang gawain
kundi sa kaluwalhatian at kasiyahan nang aking kaluluwa

sana AMA ikaw ang tumulong sakin
at gagawin ko ang lahat sa iyong kalooban..